Pinangunahan ng SHFC ang isang Local Inter-Agency Committee (LIAC) Meeting kaagapay ang Department of Transportation – Philippines at Department of Human Settlements and Urban Development noong Abril 19 upang pag-usapan ang mga training at pangkabuhayang programa na kaakibat ng proyektong pabahay ng ahensya. Inaasahang higit 500 pamilyang naninirahan sa gilid ng riles ng tren ang makikinabang sa nasabing mga proyekto.