BONGBONG MARCOS TO GO SOLO IN QUIBOLOY’S SMNI NETWORK PRESIDENTIAL CANDIDATES’ DEBATE

Other bets to boycott Sonshine Media Network International (SMNI) event

Only former senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., was expected to attend, as Quiboloy has announced he is supporting the presidential bid in the 2022 election of the son of the late dictator president Ferdinand Marcos Sr. Bongbong is running in tandem with presidential daughter Davao City Mayor Sara Duterte under the UniTeam banner.

Presidential candidates na sina Sen. Panfilo Lacson, Manila Mayor Isko Moreno, Sen. Manny Pacquiao, at Vice President Leni Robredo, hindi dadalo sa debate na pangungunahan ng Sonshine Media Network International (SMNI), isang network na pagmamay-ari ni Kingdom of Jesus Christ founder na si Pastor Apollo Quiboloy.

May be an image of 4 people and text that says 'SMNI Lacson, Moreno, Pacquiao, at Robredo, hindi dadalo sa debate na inorganisa ng SMNI network @PTVph d @PTVPhilippines www.ptni.gov.ph 田 www.ptvnews.ph'

Ayon sa tagapagsalita ni Robredo, bagama’t dumadalo ito sa mga debate at interviews sa kabila ng “personal histories or affiliations” ng nag-oorganisa ng mga ito, ay mayroong nakatakdang pagpupulong sa mga lider at taga-suporta sa Panay Island si Robredo na natapat sa schedule ng debate.

Samantala, ipinaliwanag ni Pacquiao na maliban sa may nakabinbing cyber-libel case laban kay Quiboloy ay hindi rin aniya kaya ng kanyang konsensiya na lumahok sa isang aktibidad na inorganisa ng isang taong “wanted for detestable crimes.”

rEAD: QUIBOLOY IN FBI MOST WANTED LIST FOR SEX ABUSE, HUMAN TRAFFICKING

Ayon naman kay Lacson, mismong si Pastor Quiboloy na ang nag-endorso ng kanyang nais na kandidato para sa pagka-presidente at bise presidente. Nagpahayag na rin ang running mate ni Lacson na si vice presidential candidate Sen. Tito Sotto na hindi ito dadalo sa debate.

Kinumpirma naman nina presidential candidates Leody de Guzman at Bongbong Marcos ang kanilang pagdalo sa naturang debate na gaganapin bukas (Peb. 15) sa ganap na 6:00 p.m.-10:00 p.m.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s