
GENUINE HAPPINESS: Sa likod ng mga face masks, hindi maikukubli ang mga ngiti at sayang nadama ng mga miyembro ng Intramuros Community Homeowners’ Association, Inc. (HOAI) matapos ang isinagawang groundbreaking ceremony para sa itatayong pabahay ng SHFC, katuwang ang Intramuros Administration (IA), at ang lokal na pamahalaan ng Morong, Rizal, sa Barangay Lagundi noong Disyembre 13.
