Humihingi si Santo Tomas Mayor Ernesto Evangelista ng isang komprehensibong report mula sa kay Agapito Ejalas, Punong Barangay ng Pantaron sa kung ano ang mga naging nagawang hakbang nito para resolbahin ang kaso ng mga banana plantation workers sa nasabing barangay.

Sinabi ni Municipal Administrator Atty. Elisa Evangelista-Lapina na gustong isabatas ni Mayor Evangelista ang regulasyon para sa operasyon ng saging sa bayan ng Santo Tomas ay dahil may mga iregulasyong nangyayari at pang-aabuso na pabor sa mga lokal at dayuhang kapitalista na hindi naman residente ng Santo Tomas.
Paliwanag ni Lapina, sa pamamagitan ng pagpasa ng ordinansa maproprotekhan ang mga Tomasinong banana growers laban sa price manipulation na pinapairal ng mga consolidators at higit sa lahat mabigyan ng proteksyon ang mga manggagawa sa mga nasabing plantasyon sa saging.
“Kung seryoso at handang pagsilbihan ng Sangguniang Bayan ang ating mga manggagawa sa plantasyon sa saging hindi magiging mahirap ang pagpasa ng local ordinance para sa mga Tomasinong small banana growers at banana plantation workers,” sinabi ni Lapina.