2022 ELECTION

ALVAREZ ON 2022 ELECTION: WE NEED A LEADER, TUNAY NA LEADER AT HINDI PRETENDER

May bayag, utak, puso at damdamin, paninindigan

MESSAGE OF “WE NEED A LEADER, 2022” MOVEMENT DURING THE LAUNCH OF VOTER’S EDUCATION ADVOCACY OF CONGRESSMAN PANTALEON ALVAREZ IN TAGUM CITY, DAVAO DEL NORTE, JANUARY 11, 2021,

“Malaki at mabigat ang mga problemang hinaharap ng Pilipinas.May PANDEMYA dulot ng COVID, malubha ang pinsala sa bansa, pinabagsak ang ating ekonomiya.

Nagsara ang maraming negosyo, umuwi ang mga kababayang OFW, milyon-milyon ang walang trabaho.

Ang mga magsasaka, magbababoy, magmamanok, at mangingisda, umiiyak sa pagbagsak ng presyo ng kanilang mga produkto dahil sa walang tigil na importasyon.

Nakaluhod at nagmamakaawa ngayon ang ating agrikultura.

Walang negosyo, walang trabaho, patay ang hanap buhay, gutom ang mga tao, at ang mga kabataan, hindi sila makapagaral at nanganganib ang kinabukasan.

Idagdag pa natin, ang West Philippine Sea, na teritoryo ng Pilipinas, ay pinapasok din at gusto agawin ng mga dayuhan. Araw-araw, umiinit ang tensiyon sa pagitan ng bansang Amerika at Tsina, paano na kung sumiklab bigla ang digmaan?

Sino ang ihahalal natin na Pangulo sa taong 2022?

WE NEED A LEADER, tunay na leader, at HINDI PRETENDER

.Timbangin natin ang mga kandidato sa timbangan ng bayan.

UNA, siya ba ay may UTAK?

Kailangan ang Presidente may utak para maintindihan niyang mabuti ang mabibigat na problema ng bansa upang sa ganoon ay makapagbigay siya ng tamang solusyon para sa ikabubuti ng bayan.

PANGALAWA, siya ba ay may PUSO at DAMDAMIN para sa tao?

Kinakailangan ang Presidente ay hindi manhid sa kalagayan ng mga kababayang Pilipino. Ramdam niya dapat ang paghihirap at sakit na dinadanas ng kanyang kapuwa tao.

PANGATLO, siya ba ay may BAYAG?

Kailangan ang Presidente, may lakas ng loob para harapin ang mabibigat na problema ng bansa at buong tapang na magdesisyon para ipatupad ang makahulugang reporma na ikabubuti ng karamihan kahit na sino ang masagasaan

.PANGAPAT, siya ba ay tapat at may PANININDIGAN?

Kinakailangan ang Presidente ay may isang salita. Hindi puwede ang pabago-bago at atras-abante.Ito ang Presidente ko: may utak, puso at damdamin, bayag, at paninindigan.Sa makatuwid, may KAKAYAHAN MAMUNO.

Image may contain: one or more people and people standing
Image may contain: one or more people, people standing, plant and indoor
Image may contain: 1 person, standing and on stage
Image may contain: 2 people, people standing
Image may contain: 3 people, people standing
Image may contain: 3 people, people standing

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s